Dala ng hindi mapigilang pangangailangan eh OPO! lumipat na po si anak ng alak sa Wordpress. Kaya sa aking mga giliw na taga-subaybay, fans, tagapanood(hindi pala, wala pala tayo sa tv), kabarikan sa aking pitak na ito, doon na lang natin ituloy ang kwentuhan at inuman, harinawa ay marami tayong malasing doon sa wordpress.
Tara na! Inuman na! Ang unang papasyal, siya ang pulutan, DALI! http://anakngalak.wordpress.com
Saturday, October 4, 2008
Thursday, September 18, 2008
Morning Sickness at ang hiwaga sa CR
Hay, isang gabi na naman ang nagdaan sa akin na napakasarap kahit may pait sa dulo. Kagabi kasi ay nasa Metrowalk kami ng 8liens, ayus, andame beer, at syempre kahit wala ako sa mood magbarik eh napilitan na rin ako, baka masabihan ako na "KJ", mahirap na, hahaha! At syempre, sinapian nanaman ng espiritu ng alak ang anak ng alak na ito. Hindi ko na nga alam kong anong oras ba kame nakauwe, kung kumain ba ko bago natulog o natulog na agad ako o dumaan muna ako sa CR para bisitahin at e-embrace ang inidoro bago ako natulog, shet!
Kaya nitong umaga ay gumising ako na mabigat ang aking katawan, masakit ang ulo, may kung anong mainit na bagay na gustong umahon mula sa aking tiyan na parang utot na hindi makadaan sa pwet at gustong sa bibig ko na lang lumabas, 'dyos ko po ru-dee!'(salitang tambay sa talaibon, meaning "hesusmaryosep!"). At syempre pasingit singit pa itong "morning sickness" na nakakailang kasi hindi ako makadapa ng maayos. Iwan ko ba kung bakit lahat ata ng lalake, kasama na ang mga bakla na hindi pa nagpapa sex change, eh madalas maranasan ito. Tuwing umaga yan nangyayari, tulog ka man o bagong gising o kahit matagal-tagal ka na ring gising. Nakakahiya nga na tumayo kasi may mga babae din akong kasama sa "87 C", hindi ako makalakad papunta sa CR para umihi kasi halatang halata ito kahit magtapis pa ako ng tuwalya, shet lamang ang Crispa! Pero syempre may mga pagkakataong hindi ko na matiis ang ihi ko kaya kahit na mahalata nila, basta iihi ako, takbo na lang to, hehehe!
Mabuti na lang at wala na yung mga babae sa bahay kanina kaya malaya akong nakapaglakbay papunta sa CR para umihi, at ng abot tanaw ko na ang inidoro na medyo madilaw na dahil madalang pa sa patak ng ulan sa Hadarac Desert kung linisin, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bigla akong natigilan nung papasok na ako sa munting silid ng aming cr, may kung anong mga maliliit na bagay na nasa lababo na nakatawag sa aking pansin. medyo marami din sila at medyo kulay dilaw. Tinitigan ko ang mga ito at medyo may naalala ako nung nagdaang gabi na pangyayari na hindi ko lubos na maunawaan. Parang isang bangungut na biglang nagkatotoo dahil nakakita ako ng "sign". Tiningnan ko ang mga mumunting bagay na ito ng malapitan, inamoy ko, hmmm... parang amoy suka, kumuha ako ng isang butil, iniksamin ko itong mabuti, para itong isang butil ng kanin, mumu ito, tinikman ko, hmm.. mumu nga, at ito ay isang suka, suka ng isang lasing, o shet! Biglang nag-"flash" sa aking alaala ang mga pangyayari nung nagdaang gabi, tama, pagkauwi ko nga ay hindi muna ako natulog, nagpunta muna ako dito sa cr at nag-embrace sa inidoro at sa hindi inaasang pagkakataon ay pati sa lababo ay napa-embrace din pala ako, shet, sablay! kasi magbabara dun, ano na lang ang mga pinagsasabi ng mga unang nagsiligo dito sa cr kanina, jahe. Tyainis veneracion naman oh. Siguro ay iniisip nila kung sino sa amin ni renan ang gumawa ng kahindik hindik na "krimen" na iyon. At syempre, sa una ay iisipin nilang si renan iyon dahil siya ang may hawak ng record na "suka king" o "Crow Caller". Nakakaguilty naman, kaya sinulat ko ito, hindi na kaya ng aking konsensiya ito, baka hindi ako patulugin nito sa mga magdadaang gabi, baka maglagay pa sila ng sisiw sa ibabaw ng lababo para hindi matahimik kung sino man ang gumawa ng krimen, mahirap na db? kaya ito, "OO AKO NGA ANG SUMUKA SA LABABO"!
PS: "Ders olweys a pers taym por ebreting."

Sunday, September 14, 2008
Anak ng Alak
Ayus, patapos na ako sa aking ginagawang presentation ng Mail8 para sa event namin nitong darating na Sept. 20. Medyo masakit na ang aking daliri sa pag-aayos ng aking mga ginawang screenshot ni mail8 at pag-co-copy and paste ng bigla kong maisipang magpahinga muna. So tigil muna ang aking daliri sa pagpindot ng butones ng laptop at nag-isip muna ako ng pwedeng gawin habang nagpapahinga.
a. magyosi (marlboro, hehehe)
b. manood ng tv (animal planet)
c. makipagkwentuhan kay renan na nasa baba at masakit ang ulo dahil sa hang-over
d. uminom ng refreshment (lambanog na pasalubong samin ni sir meric nung nagpunta sila Lucena)
hmm.... pinili ko na lang ang a, b, at c. hehehe... hindi pa kasi pwede ang option d kasi medyo maaga pa para dun, 2pm pa lang, ayokong maagang mag-chavelita (tulog sa kalasingan).
Bakit ba naman kasi sumisingit lagi sa usapan ang pagbabarik na yan eh. Ay sori, ang “pagbabarik” ay salitang batangas na ang ibig sabihin eh pagiinom ng alak. Hay buyay, anak nga talaga ata ako ng alak. Ito yata ang aking namanang talento sa aking mga ninuno (FYI: GIN ang pinaka-genre nila). Mula sa aking nakamulatang mga ninuno tulad ng aking mga lolo, tiyo, mga pinsan, pinsang-buo, pinsang-malayo, pinsang-pilit(ito yung pilit hinahanapan ng koneksyon sa family tree maging pinsan lang), how thoughtful. Kaya kawawa sa lugar namin ang hindi marunong maginom ng gin, wala kang magiging kumpareng-buo, barkada, kakampi sa away. Sa madaling salita, magiging miserable ang iyong buhay. hehehe.... Kaya tinanggap ko na lang ang katutuhanan na isa ako sa mga anak ng alak. May mga advantage din naman ito. Kaya ako'y nagpapasalamat na rin sa aking namana. At syempre may mga sinusunod din ang isang anak ng alak na mga guidelines o commandments na dapat isa puso at sundin kahit anong okasyon, kahit anong klase ng alak ang iyong binabanatan at kahit sinong iyong kabarikan. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Huwag MAKULIT habang umiinom.
2. Huwag MATAKAW sa pulutan.
3. Huwag PATAGALIN ang BASO at mayroon naghihintay ng TAGAY.
4. Huwag uminom ng uminom kaylangang BUMILI ka rin.
5. Uminom ng DIRETSO sa TIYAN at huwag sa ULO.
6. Huwag biglang MAWAWALA sa inuman,
MAGPAALAM kung UUWI NABawal ang IIWI (kunwari eh iihi pero uuwi pala).
7. Magtira ng PANGLAKAD kahit hinlalaki ng paa.
8. Huwag MATUTULOG habang umiinom.
9. Siguraduhing sa BAHAY ang UWI kung lasing na.
10.Huwag MATAKOT sa GF/Asawa.
Kaya kung feeling mo eh isa ka ring anak ng alak, eh makiisa ka na!
Stand up and be proud of yourself, itaas ang basito at isigaw:
"ALAK PA!!!"

Subscribe to:
Posts (Atom)