Hay, isang gabi na naman ang nagdaan sa akin na napakasarap kahit may pait sa dulo. Kagabi kasi ay nasa Metrowalk kami ng 8liens, ayus, andame beer, at syempre kahit wala ako sa mood magbarik eh napilitan na rin ako, baka masabihan ako na "KJ", mahirap na, hahaha! At syempre, sinapian nanaman ng espiritu ng alak ang anak ng alak na ito. Hindi ko na nga alam kong anong oras ba kame nakauwe, kung kumain ba ko bago natulog o natulog na agad ako o dumaan muna ako sa CR para bisitahin at e-embrace ang inidoro bago ako natulog, shet!
Kaya nitong umaga ay gumising ako na mabigat ang aking katawan, masakit ang ulo, may kung anong mainit na bagay na gustong umahon mula sa aking tiyan na parang utot na hindi makadaan sa pwet at gustong sa bibig ko na lang lumabas, 'dyos ko po ru-dee!'(salitang tambay sa talaibon, meaning "hesusmaryosep!"). At syempre pasingit singit pa itong "morning sickness" na nakakailang kasi hindi ako makadapa ng maayos. Iwan ko ba kung bakit lahat ata ng lalake, kasama na ang mga bakla na hindi pa nagpapa sex change, eh madalas maranasan ito. Tuwing umaga yan nangyayari, tulog ka man o bagong gising o kahit matagal-tagal ka na ring gising. Nakakahiya nga na tumayo kasi may mga babae din akong kasama sa "87 C", hindi ako makalakad papunta sa CR para umihi kasi halatang halata ito kahit magtapis pa ako ng tuwalya, shet lamang ang Crispa! Pero syempre may mga pagkakataong hindi ko na matiis ang ihi ko kaya kahit na mahalata nila, basta iihi ako, takbo na lang to, hehehe!
Mabuti na lang at wala na yung mga babae sa bahay kanina kaya malaya akong nakapaglakbay papunta sa CR para umihi, at ng abot tanaw ko na ang inidoro na medyo madilaw na dahil madalang pa sa patak ng ulan sa Hadarac Desert kung linisin, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay bigla akong natigilan nung papasok na ako sa munting silid ng aming cr, may kung anong mga maliliit na bagay na nasa lababo na nakatawag sa aking pansin. medyo marami din sila at medyo kulay dilaw. Tinitigan ko ang mga ito at medyo may naalala ako nung nagdaang gabi na pangyayari na hindi ko lubos na maunawaan. Parang isang bangungut na biglang nagkatotoo dahil nakakita ako ng "sign". Tiningnan ko ang mga mumunting bagay na ito ng malapitan, inamoy ko, hmmm... parang amoy suka, kumuha ako ng isang butil, iniksamin ko itong mabuti, para itong isang butil ng kanin, mumu ito, tinikman ko, hmm.. mumu nga, at ito ay isang suka, suka ng isang lasing, o shet! Biglang nag-"flash" sa aking alaala ang mga pangyayari nung nagdaang gabi, tama, pagkauwi ko nga ay hindi muna ako natulog, nagpunta muna ako dito sa cr at nag-embrace sa inidoro at sa hindi inaasang pagkakataon ay pati sa lababo ay napa-embrace din pala ako, shet, sablay! kasi magbabara dun, ano na lang ang mga pinagsasabi ng mga unang nagsiligo dito sa cr kanina, jahe. Tyainis veneracion naman oh. Siguro ay iniisip nila kung sino sa amin ni renan ang gumawa ng kahindik hindik na "krimen" na iyon. At syempre, sa una ay iisipin nilang si renan iyon dahil siya ang may hawak ng record na "suka king" o "Crow Caller". Nakakaguilty naman, kaya sinulat ko ito, hindi na kaya ng aking konsensiya ito, baka hindi ako patulugin nito sa mga magdadaang gabi, baka maglagay pa sila ng sisiw sa ibabaw ng lababo para hindi matahimik kung sino man ang gumawa ng krimen, mahirap na db? kaya ito, "OO AKO NGA ANG SUMUKA SA LABABO"!
PS: "Ders olweys a pers taym por ebreting."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Loko-loko ka talaga.adik!!!..Anak ka talaga ng alak....hahaha.di matigil ang pagtawa ko na halos maluha na ako kakatawa sa blog mo.Sa una kaya ko pang i-take eh. Naalala at namiss ko tuloy ang Sagada at si Tsong sa manipis na pang-ibaba, sa "lamang ang Crispa"...hahahahaha....Promis.. habang tumatagal ang pagbabasa ko, lalong lumalawak at patuloy na naglalaro ang imahinasyon sa utak ko kung paano mo nagawa yun sa lababo..eeeeewwww.. Di ako makapaniwala at hindi ko din maimagine na ang Anak ng alak ay tatawag ng uwak!!!yaaaakkk....kadiri ka talaga...
Post a Comment