Sunday, September 14, 2008

Anak ng Alak

Ayus, patapos na ako sa aking ginagawang presentation ng Mail8 para sa event namin nitong darating na Sept. 20. Medyo masakit na ang aking daliri sa pag-aayos ng aking mga ginawang screenshot ni mail8 at pag-co-copy and paste ng bigla kong maisipang magpahinga muna. So tigil muna ang aking daliri sa pagpindot ng butones ng laptop at nag-isip muna ako ng pwedeng gawin habang nagpapahinga.

a. magyosi (marlboro, hehehe)
b. manood ng tv (animal planet)
c. makipagkwentuhan kay renan na nasa baba at masakit ang ulo dahil sa hang-over
d. uminom ng refreshment (lambanog na pasalubong samin ni sir meric nung nagpunta sila Lucena)

hmm.... pinili ko na lang ang a, b, at c. hehehe... hindi pa kasi pwede ang option d kasi medyo maaga pa para dun, 2pm pa lang, ayokong maagang mag-chavelita (tulog sa kalasingan).

Bakit ba naman kasi sumisingit lagi sa usapan ang pagbabarik na yan eh. Ay sori, ang “pagbabarik” ay salitang batangas na ang ibig sabihin eh pagiinom ng alak. Hay buyay, anak nga talaga ata ako ng alak. Ito yata ang aking namanang talento sa aking mga ninuno (FYI: GIN ang pinaka-genre nila). Mula sa aking nakamulatang mga ninuno tulad ng aking mga lolo, tiyo, mga pinsan, pinsang-buo, pinsang-malayo, pinsang-pilit(ito yung pilit hinahanapan ng koneksyon sa family tree maging pinsan lang), how thoughtful. Kaya kawawa sa lugar namin ang hindi marunong maginom ng gin, wala kang magiging kumpareng-buo, barkada, kakampi sa away. Sa madaling salita, magiging miserable ang iyong buhay. hehehe.... Kaya tinanggap ko na lang ang katutuhanan na isa ako sa mga anak ng alak. May mga advantage din naman ito. Kaya ako'y nagpapasalamat na rin sa aking namana. At syempre may mga sinusunod din ang isang anak ng alak na mga guidelines o commandments na dapat isa puso at sundin kahit anong okasyon, kahit anong klase ng alak ang iyong binabanatan at kahit sinong iyong kabarikan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Huwag MAKULIT habang umiinom.
2. Huwag MATAKAW sa pulutan.
3. Huwag PATAGALIN ang BASO at mayroon naghihintay ng TAGAY.
4. Huwag uminom ng uminom kaylangang BUMILI ka rin.
5. Uminom ng DIRETSO sa TIYAN at huwag sa ULO.
6. Huwag biglang MAWAWALA sa inuman,
MAGPAALAM kung UUWI NABawal ang IIWI (kunwari eh iihi pero uuwi pala).
7. Magtira ng PANGLAKAD kahit hinlalaki ng paa.
8. Huwag MATUTULOG habang umiinom.
9. Siguraduhing sa BAHAY ang UWI kung lasing na.
10.Huwag MATAKOT sa GF/Asawa.

Kaya kung feeling mo eh isa ka ring anak ng alak, eh makiisa ka na!
Stand up and be proud of yourself, itaas ang basito at isigaw:

"ALAK PA!!!"

6 comments:

Vhonne said...

iba talaga batanguenio... lakas bumarik....

http://batanggero.blogspot.com

daan ka dito... kung tunay kang magbabarik...

walangmalay said...

isa kang henyo. pati alak ginagawan mo ng alibi. sino gumawa ng 10 commandments? tiyak ko, hindi ikaw. sa tingin ko lang, commandment number six lang ang nasusunod sa yo. har har har!

walangmalay said...

atsaka pala commandment number 3, nasusunod mo rin to... hehehe.

anak_NG_alak said...

@chox
anak ka ng alak, miss you too! mwaah! hahaha!

@vhonne
Ayus mga kwento ni Tatang Tanggero ah, hehehe! pasyal lagi ako dun, masayang basahin eh. ayus!

anak_NG_alak said...

ey walang malay, pati yung no.2, 8, at syempre pati yung no.10, hahahaa! anak ng alak naman kasi itong 10 commandments na to eh, hirap sundin. sino kaya gang nagpasimuno nito? hehe!

walangmalay said...

sige sige, number 2 at 8, pwede. pero 10?! mukang dito ka aangot. hekhekhek!